“Bagsak ako pero ife-flex ko kasi ‘di naman ako zero eh, 2/100 beh.”

Relate ang maraming netizens, lalo na ang mga estudyante, matapos ibahagi sa kaniyang Facebook ng content creator na si Ychan ang video na isinasabuhay ang tila pagbagsak ng estudyante sa exam.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Ani Ychan sa video, huwag umano ikahiya ang kinalabasan ng scores sa exam dahil nasa sulat at ganda ito ng solution kahit mali ang sagot.

“Hindi naman porket bagsak ako sa exam, bagsak na rin buong pagkatao ko. Hindi naman ganon ‘yon beh kasi ang ganda ng solution ko oh, may kulay-kulay pa ‘yan. Ba’t ako mahihiya?

“Maganda kasi sulat ko beh, mali nga lang yung sagot pero nag-review ako kasi medyo nag-focus kasi ako sa solution ko, pinaganda ko masyado. Kaya siguro naubusan ako ng time sa pagiisip.” dagdag pa niya.

Ginawang biro na lamang ng online personality sa kaniyang video ang nararanasan ng karamihan sa totoong buhay.

Agad naman itong umani ng 345,000 laughing reactions ang naturang video

Narito ang ilang komento ng mga naka-relate netizens:

“The design is very Engineering.”

“Bawal maging sad magagalit si Donnalyn. Kahit 2 lang yan dapat grateful parin tayo.” hirit ng isa

“Ako din perfect 0”

“Me gaslighting myself everytime.”

“Hindi ka nag iisa anteh hahaha.”

“Me telling myself this after having 1/17 exam in Calculus HAHAHAHA.”

“Bawi next life.”

“Grades are just a number” feels HAHAHAHAHA