Hindi pa rin naoobserbahan ng Department of Health (DOH) ang pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa bansa kasunod ng mga isinagawang kaliwa't kanang pagtitipon noong nakaraang holiday season.

Bumababa pa rin ang bilang ng mga bagong kaso ng Covid-19, ani DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire nitong Martes, Enero 10.

“As we have reported, we are having this plateau in cases. Our cases are declining both nationally and even in the regional areas of the country,”sabi ni Vergeire sa isang press briefing.

Basahin: OCTA: Covid-19 positivity rate sa NCR, bumaba na sa 5.8% – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“Ngayong araw meron tayong nakitang one percent increase. But this is not significant for us to say that there is really this uptick in cases as a result of the holiday season,” dagdag niya.

Samantala, sinabi ni Vergeire na patuloy nilang babantayan ang takbo ng kaso kasunod ng pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno.

Umaasa si Vergeire na hindi na tataas ang kaso sa mga susunod na araw dahil karamihan sa mga deboto ay sumunod sa iba't ibang health protocols.

"We will continuously monitor. Dapat bumilang ng two weeks na incubation period so we can see if it had an effect on the number of cases. Hopefully hindi pumalo ang mga kaso," aniya.

Kaugnay nito, sinabi ng opisyal na ang mga pang-araw-araw na kaso sa kalagitnaan ng Pebrero ay maaari pa ring manatili sa ibaba 1,000.

“Based on our latest forecast or projections, cases by Feb. 15, if ever minimum public health standards [adherence] declines and tuloy tuloy pasok ng variants na highly evasive and transmissible, we would see hanggang 730 cases by Feb. 15,” ani Vergeire.

“Hanggang ganung level lang ang nakikita ng ating projections ngayon. And as we always say, This is not cast in stone, these are just estimates to help us prepare our units, hospitals, and surveillance system,” dagdag niya.

Sa kasalukuyan, ang average na pang-araw-araw na bilang ng mga bagong kaso sa bansa ay nasa 447, batay sa DOH-Covid-19 case bulletin para sa panahon ng Enero 2 hanggang 8.

Analou de Vera