Habang patuloy na lumalaban para sa potensyal na ikalimang Miss Universe crown ng Pilipinas si Celeste Cortesi sa New Orleans, Louisiana sa Amerika, muli namang inimbatahan ng Miss Universe Philippine Organization ang aspiring beauty queens sa bansa na sumunod sa yapak ng Pinay-Italian beauty.

Basahin: Shamcey Supsup, aprub ang pre-pageant pasabog ni Celeste Cortesi: ‘Our next Miss Universe!’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ito ang paanyaya ng national organization nitong Martes para sa mga Pinay na nais na iwagayway ang Pilipinas sa international scene.

‘Pasko para sa lahat’ PDLs, may Christmas wishlist ngayong Pasko!

Nagbukas noong Nobyembre 2022, hanggang Enero 29 na lang ang aplikasyon para sa susunod na MUPH candidate, at potensyal na delegada sa Miss Universe 2023..

Nauna nang inanunsyo ng parehong organization na bukas na ito sa mga kababaihang may asawa.

Basahin: Miss Universe Philippines, bukas na rin sa kababaihang may asawa na – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Gayunpaman, hindi naman malinaw kung bukas na ang national brand sa mga aplikanteng ganap nang ina.

Kabilang sa dagdag na requirements para sa applicants ang pagiging isang Filipino citizen, passport holder, hindi bababa sa high school graduate ang pinakamataas na educational attainment, at edad na 18- hanggang 27-anyos.