May payo ang online personality na si Xian Gaza sa mga kabataan na huwag na huwag umano makipag-live in dahil wala raw itong magandang maidudulot sa isipan at pagkatao.

"Kung lumabas ito sa news feed mo at isa kang Generation Z, gusto ko lang sabihin sayo na kahit anong mangyari eh huwag na huwag ka makikipag-live in sa murang edad," saad ni Gaza nitong Linggo, Enero 8, sa kaniyang Facebook account.

"Wala itong magandang maidudulot sa iyong isipan at pagkatao. It will do more harm than good. Kahit pa magkaanak kayo, huwag! May tamang panahon para diyan. Take it from a guy na nakipag-live in sa edad na 19," dagdag pa nito.

Payo rin niya na hintayin ang edad na 25 pataas bago makipag-live in para raw matured na ang pag-iisip.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

"Hintayin mo munang umedad ka ng 25 pataas until such time na matured enough ka na at kaya na ng mental health mo yung pakikipag-live in."

Nabanggit din ni Gaza ang tungkol sa kanila ng ex-girlfriend niya, hindi man niya idinetalye pero sa isang “Exclusive Tell-All Interview” sa kaniyang ng social media personality at content creator na si Chino Liu o mas kilalang ‘Krissy Achino,' diretsahan niyang inamin na ‘ginamit’ niya lang ang kaniyang ex-girlfriend noon na si Irish Tan.

Kuwento ni Gaza, nagtagal ang kanilang relasyon ng 11 buwan, simula July 2018 hanggang June 2019. 

At nang tanungin kung “totoong minahal niya ba talaga ang dalaga?” ang kaniya namang naging sagot, “Let’s be honest, sobra to a point na mahal ko siya at the same time kailangan ko siya kasi during that time walang-wala talaga ako.”

BASAHIN:https://balita.net.ph/2023/01/09/xian-gaza-ginamit-umano-ang-ex-girlfriend-noon-sobrang-nakakababa-parang-feeling-ko-tae-ako-pero-no-choice-ako/