Malugod na binati ni Manila Mayor Honey Lacuna ang lahat ng deboto ng Black Nazarene, gayundin ang mga opisyal ng Quiapo Church, dahil sa naging matagumpay at payapang pagdaraos ng 'Walk of Faith,' gayundin ng mismong pista ng Poong Nazareno nitong Lunes, Enero 9.

Pinuri at pinasalamatan rin naman ni Lacuna ang Manila Police District (MPD), sa pamumuno ni Director PBGen. Andre Dizon, dahil sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng mga dumalo sa lahat ng mga pagtitipon na may kaugnay ng kapistahan.

Natutuwa ang alkalde dahil naging mapayapa ang mga aktibidad at walang hindi magandang kaganapang naganap.

“Peaceful siya. Of course, marami ang gusto pa rin ‘yung Traslacion but I think the Church is contemplating on adopting what we did this year. Siguro may tweeking lang kung hanggang saan namin pwede i-stretch yung Traslacion,” sabi ni Lacuna, na personal ding dumalo upang tingnan ang daloy ng mga aktibidad ng pista.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa kanyang bahagi, pinuri naman ni Dizon ang performance ng security forces, at inilarawan niya ito bilang ‘excellent.’

Nabatid na ang security forces na itinalaga sa Nazareno 2023 activities ay hindi lamang mula saMPD, kundi maging sa Northern Police District, Southern Police District, Eastern Police District, Quezon City Police District, Bureau of Fire Protection,Metro Manila Development Authority, Armed Forces of the Philippines, at iba pa.

“Walang nagtangkang manggulo. Ligtas po ang lahat,” pagmamalaki pa ni Dizon.