Pinasalamatan ng mga kawani ng iba't ibang ahensya ng pamahalaan si Manila Mayor Honey Lacuna, gayundin ang Universidad de Manila (UDM) nitong Lunes dahil sa pagbibigay sa kanila ng mga bagong oportunidad upang maging mas mahusay pang mga public servants ng bansa.

Ang mga naturang kawani ay kabilang sa mga nabigyan ng oportunidad ng Manila City Government, sa pangunguna ni Lacuna, na makapagtapos ng kursong Master’s Degree in Public Management and Governance (MPMG) sa UDM.

Ayon kay Alvin Fidelson, kasalukuyang hepe ng Corporate Communications ng PHLPost at kabilang din sa mga nagtapos, malaki ang kanilang pasasalamat kay Lacuna, sa city government, at sa UDM, dahil sa ibinigay na pagkakataon sa kanila.

Tiniyak rin ni Fidelson na gagamitin nila ang naturang oportunidad upang maiangat pang lalo ang antas at propesyonalismo ng paglilingkod nila sa pamahalaan.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Bukod kay Fidelson, kabilang din sa mga itinalaga ng Unibersidad sa kanilang Master’s degree program sina Aldz Fajardo, Andrew Tinao, Valiant Baguio, Willie Uson, Francis Galicia, Stephanie Calderon Ballarta, Rosemarie Collantes, Lesley Lopez, Duchess Sison, Dan Aragon Retota, Sheryl Padilla-Tala at Joy Richelle Tumbali-Villareal.

Ginanap ang Mid-Year Commencement Exercises ng UDM Institute of Graduate and Professional Studies (IGPS) sa Manila Hotel Centennial Hall noong Nobyembre 22, 2022 lamang.