Umabot sa mahigit 16 milyong subscriber identity module (SIM) card ang nakarehistro na hanggang nitong Lunes, Enero 9.

Sa datos ng Department of Information andCommunicationsTechnology (DICT), nasa 16,150,926 SIM card ang nakarehistro na sa tatlong telecommunications company sa bansa.

Sinabi ng DICT, umabot na sa 9.56 porsyento ng kabuuang 170 milyong SIM sa bansa ang naitala na ng Smart Communications, Inc., Globe at DITO Telecommunity, batay na rin sa datos ng National Telecommunications Commission (NTC).

Ang naturang hakbang ay alinsunod sa SIM Registration Act na nag-uutos na dapat na mairehistroang mga aktibong SIM at mga bagong bili na mobile number sa bansa upang mapigilan ang paggamitng mga SIM card sa krimen, kabilang na sa text at online scam.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

Binibigyan ng 180 araw ang mga SIM user na magparehistro upang hindi ma-deactivate ang kani-kanilang mobile number.