NUEVA ECIJA - Nagpalabas ng₱19 milyon ang Department ofSocial Welfare and Development (DSWD) para sa cash-for-work program nito na mapakikinabangan ng 4,500 napersons with disabilities (PWDs) sa lalawigan.

Sa pahayag ni Ariel Sta. Ana, hepe ng Provincial Disability Affairs Office-Nueva Ecija, ang naturang hakbang ay alinsunod saKapit-Bisig Laban sa Kahirapan–Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS) program ng ahensya.

Ang mga nasabing PWD ay mabibigyan ng pansamantalang trabaho sa loob ng 10 araw sa kanilang komunidad at babayaran sila mula sa nasabing pondo.

Aniya, kabilang sa kuwalipikado sa programa ang mga indigent o mahihirapna PWDs at PWDs na hindi na kayang magtrabaho.

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon

Sakaling hindi na kayang magtrabaho ng PWD, kukuha ng isa sa miyembro ng pamilya ang ahensya na kakatawan sa benepisyaryo nito.

Tatanggap ng ₱450 kada araw bilang sweldo ang bawat benepisyaryo sa loob ng nasabing panahon.

“Prayoridad din ng programa ang mga PWD na hindi pa napabilang sa nakatanggap na ng anumang programa o ayuda ng DSWD," sabi pa nito.

Philippine News Agency