Nagbigay rin ng reaksiyon at saloobin ang kilalang propesor ng kasaysayan at historyador na si Xiao Chua patungkol sa trending na episode ng fantasy-drama series na "Maria Clara at Ibarra" noong Biyernes, Enero 6 na may hashtag na "MCIDingginNiyoKami".
Umikot ang reaksiyon ni Chua sa naging trending na Facebook post naman ng isang retiradong propesor ng "Literary Criticism" ng De La Salle University-Dasmariñas, Cavite at Far Eastern University (FEU)-Manila na si Dr. Lakandupil Garcia.
"May nagke-claim na nanonood ng Maria Clara at Ibarra na naglalament bakit daw iniba nang sobra ang istorya.
Ok naman ang criticism pero sorry, ang dating sa akin ay you are missing the whole point of the show and why the show is being watched. And I suspect you are only watching bits and pieces without really following the storyline and the main point of having Klay," ayon sa Facebook post ni Chua, Enero 7, 2023.
"Walang point talaga yung sinasabing dapat maging faithful sa sinulat ni Rizal yung istorya kasi malilito daw mga bata. May mga early depiction din sa ibang film na nagpakamatay si Maria Clara. Bakit yun OK lang. Artistic license yun po. Kung walang changes, edi wala nang point si Klay na nagbibigay ng excitement, ano ba gagawin niyang susunod na kabalbalan."
"Siyempre kahit maliit na ripples may dapat mangyari sa mga naging aksyon niya. At isa na 'yang pagiging malakas ni Maria Clara."
Ayon sa panayam ng Balita Online kay Dr. Garcia, hindi naman siya basher ng teleserye kundi nasabi lamang niya ang kaniyang "pagkabagabag" sa itinatakbo ng istorya.
Itinuturo ang mga obra maestra ni Rizal sa Grade 9 at Grade 10 sa Junior High School, bilang bahagi ng kurikulum ng asignaturang Filipino.