Dinepensahan ng actress, vlogger, at singer na si Donnalyn Bartolome ang sarili matapos maungkat ng mga netizen ang pagbili niya ng sports car noon, at pag-amin niyang "well-off" ang kaniyang pamilya at 16 pa lamang siya ay may sarili na siyang kotse.
Sey ng mga netizen, tila taliwas ito sa inilabas niyang Facebook post na nakaranas din siya ng hirap noong nagsisimula pa lamang siyang tumayo sa sariling mga paa, at sumasakay rin ng mga pampasaherong sasakyan kagaya ng jeepney.
Sa comment section ng kaniyang pinag-usapang Facebook post naglapag ng kaniyang paliwanag tungkol dito.
"This is so taken out of context đ Minention ko yan sa vlog dahil meron akong binili for the first time na dream car gamit ang sarili kong pera. Na proud ako dun may nabili ako para sa sarili ko after mo magtrabaho kasi hindi ko feel na achievement yung regalo nila, pag pinanood mo yang vlog yun ang sinasabi ko."
"They gifted my first car to me bilang reward nila sa pag-aalaga ko sa kapatid while they work nung nasa States na kami pero naging shared vehicle din naman ng family kasi hindi naman ako lumalabas dahil stay at home ate ako. Isang beses ko lang yun din-rive. Hindi ko tinatago.. My family IS well off. But we WERE poor. Minix niyo yung PRESENT ko sa PAST."
"At natu-twist na lahat. Yung 1-6yrs. old yung sinasabi kong pinagdaanan ko hindi kumportableng buhay 6yo malayo nako sa magulang bago nila ako makuha at 10 yrs old. 11yo ako nagstart nag-alaga ng kapatid. Nasa record ko din yun sa videos ko noon. Yung 17yo onwards yung struggles sa Pinas."
"Palipat-lipat ulit ako Pinas to Japan para tumulong no'n. Ang dami nangyari at naging situations. Hindi ko yaman ang yaman ng magulang ko. Kaya tumayo ako sa sarili kong paa. Kung ang goal niyo is sirain yung mental health ko, matagal na pong sira. Hindi ko alam kung ano pa pwede kong gawin pagkatapos ko mag-admit ng mistake and shared struggles na I was accused na hindi nangyari.. ginawa ko yun hoping na kahit konti maiparamdam na hinding hindi ko i-mean yung nasabi ko the way it was taken, given na may hardships din akong pinagdaanan."
"Pero hindi para ikumpara sa struggles n'yo cause I know mas maraming nahirapan at nahihirapan kaysa sa akin. Yung mga shinare ko ngayon, yun yung umalis ako sa amin na walang hininging support from my parents. Hindi ko sinama yang gift na car sa compilation kasi hindi naman relevant yan sa attempt kong magpakita ng sincerity through my stories but at the same time pagpapakatotoo sa sarili sa kung ano talaga ang ibig kong iparating sa unang post na nagsimula ng lahat nang to."
"Tatanggapin ko ang lahat ng pagko-correct sa akin.. at ang mga 'I told you so' di lang okay yung i-twist ang timeline ng life ko para husgahan ang pagkatao ko. Sumubok lang ako mang-lift up ng spirit but with word errors, wala akong dinetalye o inungkat, tinarget o hinanapan ng mali. Inako ko. Hindi ko sinadyang mang-invalidate pero ganun narin ang nagagawa sa akin na baka sa galit di n'yo rin sadya."
"Masakit na kasi ngayon parang wala lang pala yung sarili kong hirap kumita dahil sa goal na makasama ko naman magulang ko at mapagpahinga sila kakatrabaho dahil madami kaming umaasa sa kanila noon bilang pagiging OFW nila kaya hindi ko na sila nakikita đ bilog ang mundo sa akin noon minsan nasa taas minsan nasa baba. Iâm working kasi alam ko yung pakiramdam ng nasa baba at walang work at nagsusumikap di na bumalik dun."
"Pero hindi ko sinabi na walang mas naghihirap sa akin, wala akong sinabi ako ang pinaka nahirapan. Inako ko ang mali because itâs the right thing to do. Wishing for peace in your hearts and healing after ng lahat nang âto."
Dahil sa isyung ito ay tinatagurian ngayon si Donnalyn bilang "patron saint of labor and employment".