Matatandaang para lang masubaybayan ang anak na si Rabiya Mateo sa finals night ng Miss Universe Philippines competition noong 2020, sa kapitbahay lang nakinuod ang inang si Christine dahil wala silang sariling TV. Ngayon, buong-pusong pagbabalik-sakripisyo ang nais na tuparin ni Rabiya.

Ito nga ang proud na pagflex ng beauty queen at ngayo’y TV personality na si Rabiya matapos mabilhan ng sariling bahay at lupa ang kaniyang ina sa Iloilo.

Ang regalo na isang 200 square meter na house and lot ay katas ng modeling, acting at hosting gigs ni Rabiya at syempre ang one in a lifetime na oportunidad na maging kinatawan ng bansa sa Miss Universe competition.

“Deserved niya po eh. Ilang years din siyang nagsakripisyo for me. Ilang years din siyang ‘di nakabili ng bagong damit kasi iba ‘yung priority niya. Pero this time, it’s my time na to give back. Ako naman ma,” anang 26-anyos na si Rabiya sa panayam ng ">GMA News kamakailan.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Pagbabahagi ng beauty queen, hindi rin aniya siya maluho dahilan ng mas epektibong pag-iipon para sa mga kailangan lang niya. Kumbaga, wais si Rabiya na may pagpapahalaga sa wastong paggasta.

Sa katunayan, ilang beses na umanong tinanggihan din ng TV host ang paghihikayat ng kapwa celebrities na mangolekta na rin siya ng luxury items.

“Ang dami talaga nagsasabi sa akin na you have to buy these branded items kasi artista ka. Dun pa rin ako sa mga simpleng bagay. Instead of buying branded items, mas in-invest ko sa negosyo,” anang Ilonggo beauty.

Bago naging Miss Universe Philippines, si Rabiya ay namulat sa isang mahirap na pamumuhay na itinaguyod lang ng kaniyang Mama Christine dahilan din ng pagiging masinop niya sa pera.

Samantala, looking forward naman ngayon si Rabiya para sa ilan niyang projects sa Kapuso Network ngayong 2023.