Naispatan ang ilang pet dogs na may suot-suot na face masks ngayong Linggo, Enero 8, sa isang lansangan sa Hidalgo, Maynila, bilang paalala sa publikong panatilihin pa rin ang pagsusuot ng face mask at pagsunod sa safety and health protocols sa patuloy na banta ng Covid-19.

https://twitter.com/manilabulletin/status/1611976393067495431

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Mahalaga ito lalo't tinatayang nasa 83,000 deboto ng Itim na Nazareno ang nakiisa umano sa isinagawang "Walk of Faith" nitong madaling-araw, kaugnay ng pagdiriwang sa kapistahan nito.

Ayon sa pagtataya ng Quiapo Church Command Post, ang naturang libong katao ay naglakad mula sa mga lansangan ng Katigbak Road, Padre Burgos Street, Jones Bridge, Dasmariñas Street, Sta. Cruz, Palanca Street, Quezon Boulevard, Arlegui Street, P. Casal Street, Concepcion Street, Carcer Street, Hidalgo Street, Bilibid Viejo/ G. Puyat Street, Guzman Street, Hidalgo Street, Quezon Boulevard, Palanca Street, hanggang Villalobos Street.

Ang naturang Walk of Faith ang pumalit sa taunan at nakagisnang "Traslacion", na ipinagpaliban muna upang masunod ang safety at health protocols, dahil may banta pa rin ng Covid-19.

Nakiisa rin sa paglalakad si Manila Mayor Honey Lacuna.

Nakasunod umano ang ilang miyembro ng pulisya sa mga deboto upang matiyak ang kanilang seguridad.

Bukas ng Lunes, Enero 9, ay idineklarang special non-working holiday sa lungsod ng Maynila kaugnay ng kapistahan.

Hindi pa lubusang masasabing wala nang Covid-19 sa bansa bagama't sinasabing nasa 80% na umano ng kabuuang populasyon ng mga Pilipino ang nabakunahan na, lagpas na kung tutuusin sa 70% umanong herd immunity upang hindi na katakutan ang sakit.

Ang herd immunity ay nangangahulugang ang malaking bahagi ng pamayanan ay immune na sa sakit. Dahil dito, nagiging mababa na ang tsansa ng malawakang hawahan, gaya ng nangyayari sa isang epidemya o pandemya.