Negatibo sa drug test ang 72 na third-level officers na nakatalaga sa Metro Manila at nauna nang naghain ng courtesy resignation sa layuning matanggal ang mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) na sangkot umano sa illegal drugs.

Kabilang sa mga naturang opisyal na nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang hepe nito na si Maj. Gen. Jonnel Estomo.

"From the beginning, I am with the PNP leadership in cleansing our ranks of the drug protectors and scalawags. As I formerly said that should there be anyone found to be positive of illegal drugs, he is automatically deemed resigned from the service immediately. Fortunately, none of the officers with me yielded positive results of the test," sabini0 Estomo sa isang television interview.

Layunin aniya ng surprise random drug test na mawala sa kanilang hanay ang mga gumagamit ng iligal na droga.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Nilinaw ni Estomo na ang mga nasabing opisyal ay pawang tauhan nito sa NCRPO.

"It is important to emphasize that those who tendered courtesy resignation are not drug users. This would reinforce the 5-man assessment committee on their evaluation to be carried out. On the other hand, this may serve as a stern warning to all policemen in the region. No one can run or hide with the continuing conduct of random drug testing," dagdag pa ng opisyal.

Nitonig Miyerkules, nanawagan si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na magsumite na ng courtesyresignation ang mga heneral at koronel ng PNP sa layuning matanggal ang mga sangkot sa illegal drugs.