Niyanig ng 5.0-magnitude na lindol ang Davao Oriental nitong Linggo ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang sentro ng lindol 12 kilometro silangan ng Baganga dakong 7:00 ng umaga.

Umabot sa 129 kilometro ang lalim ng pagyanig.

Sinabi ng Phivolcs, tectonic o paggalaw ng fault line malapit sa lugar ang sanhi ng pagyanig.

Probinsya

Isang pamilya sa Bukidnon, minasaker umano sa loob ng bahay!

Naramdaman naman ang Intensity II sa Nabunturan, Davao de Oro at Intensity I naman sa Malapatan at Alabel sa Sarangani; Don Marcelino sa Davao Occidental; at General Santos City sa South Cotabato.

Walang inaasahang pinsala ng lindol na posibleng lumikha ng aftershocks, ayon pa sa Phivolcs.