Dalawang nanalo ang maghahati sa₱142 milyong jackpot ng 6/55 Grand Lotto nitong Enero 7.

Sa abiso ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nahulaan ng dalawang mananaya ang winning combination na44-13-19-33-27-39 na may katumbas na premyong₱142,580,483.20 sa isinagawang draw nitong Sabado ng gabi.

Hindi pa binabanggit ng PCSO kung taga-saan ang dalawang mananaya at kung saan nila binili ang kanilang winning ticket.

Binobola ang nasabing lotto game tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

Kakaltasan ng 20 porsyento ang napanalunan ng dalawang mananaya alinsunod na rin sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Matatandaang dalawa rin ang nanalo sa mahigit₱521 milyong jackpot ng 6/58 Ultra Lotto noong Disyembre 30, 2022 matapos mahulaan ang winning combination na01-23-15-03-08-05.