Tila hindi rin magpapahuli ang sikat na vlogger at influencer na si Toni Fowler o mas kilala bilang “Mommy Oni” sa kumakalat na litrato ni Donnalyn Bartolome na pruweba umano na naranasan niya ang ‘paghihirap’ bago niya nakuha ang kaniyang mga gusto sa buhay.
Mababasa sa Facebook post ni Toni, “Yung naglabas ka pa ng picture just to justify na nahirapan ka talaga, pero maayos yung kumot, may delata, may pang jeep, may camera at naka-kulot sa trabaho. Di alam neto kung ano ang totoong ‘paghihirap’’ kaya nag react mga tao. Iba yung nag STRUGGLE sa NAGHIRAP. Masyadong patunay para lang maka connect sa masa. Pass ako diyan boss.”
Hati naman ang naging reaksiyon ng netizens sa naging opinyon ni Toni, pero karamihan sa kanila ay bashers ni Toni at nagsabi na wag na raw makisawsaw pa sa isyu ng iba.
Narito ang ilan sa komento ng netizens:
“Sawsaw ka na naman, amaccana acla.”
“Ba’t parang ang daming galit senyo kay Toni? Eh opinyon niya yun, atleast Toro family hindi nang gagaslight at alam ang salitang paghihirap.”
“Ayan na si acla nakisali na.”
“Toni ‘Sawsawera’ Fowler.”
“That’s not so ‘ b*tch na peke’ of you mommy Toni.”
“Si idol pala to eh!”
“Omsim. Kay Mommy Oni parin ako.”
“Isa pong b*tch na peke ang dami mong dada, mami oni.”
Agad naman dumipensa si Toni at sinabing hindi umano ito nakisali at naki-react lang siya sa mga viral post.
“Hindi ako nakikisali. Bilang TOTOONG NAGHIRAP NAKIKIREACT LANG SA MGA VIRAL NA POST. Kung ayaw nyo makita edi unfollow. Ano kayo lang pwede mag comment? Freedom of speech sa sarili kong account 2023 na hindi nyo pa din alam yon? “ paliwanag niya sa kaniyang Facebook post.
Matatandaan rin na ilang mga celebrity na ang nagbahagi ng kanilang opinyon at saloobin sa viral post ni Donnalyn tungkol sa “balik-trabaho.”
Binansagan na rin ng netizens ang social media personality at aktres na si Donnalyn Bartolome bilang “patron saint of labor and employment,” dahil sa lumang litrato nito na kumakalat sa ilang Facebook group habang nakasuot ng puting gown at may putong na korona sa kaniyang ulo.
BASAHIN: https://balita.net.ph/2023/01/07/donnalyn-binabansagang-patron-saint-of-labor-and-employment-ng-netizens/