Nagpahayag ng pagkadismaya si Ginebra head coach Tim Cone matapos matalo ng Bay Area Dragon ang kanyang koponan sa iskor na 94-86, sa Game 4 ng PBA Commissioner's Cup Finals series nitong Biyernes ng gabi.
Aniya, dapat ay sinamantala nila ang hindi paglaro ng import ng Bay Area na si Andrew Nicholson dahil sa pilay sa kaliwang bukung-bukong.
Sinabi ni Cone na nakuha na sana nila ang bentaheng 3-1 sa serye laban sa Bay Area Dragons na walang naglaro na import.
Gayunman, nilinaw niya na hindi na bago sa PBA na manalo ang kalaban kahit walang import.
Sa nasabing partikular na laban, rumatsada nang husto ang mga lokal sa pamumuno ni KobeyLam matapos humakot ng 30 puntos.
Sa kabila nito, nangako si Cone na paghuhusayan ng kanyang koponan ang pagsabak nila sa Game 5 sa Mall of Asia Arena sa Pasay sa Linggo, Enero 8 upang makuha ang momentum.
Ibabandera muli ng Gin Kings sina Best Import awardee Justin Brownlee, Scottie Thompson, Jamie Malonzo, at LA Tenorio.
Buko dito, inaasahang ding maglaro sina Christian Standhardinger at Japeth Aguilar.