Nakaalerto na angPhilippine National Police (PNP) nitong Sabado para sa piyesta ng Black Nazarene sa Enero 9.

“On the part of the PNP, what we can confirmed po naka-heightened alert ang PNP because as everybody must know po nagsimula na po itong security coverage para sa pagbabalik nitong Traslacion dyan sa Manila particularly sa paligid ng Quirino Grandstand at Quiapo Church,” pahayag ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo sa isinagawang pulong balitaan nitong Sabado.

Ipinakalat na aniya ng PNP ang mga puwersa nito sa Metro Manila, kabilang na angK9 units, upang matiyak ang kaligtasan ng mga deboto.

"'Yung mga nakita natin na mga sasakyan sa loob ng Crame na navideohan po, we can confirm po that bahagi pa rin po ito ng paghahanda para sa traslacion itong mga sasakyan na ito po ay hinahanda natin,” sabi ng opisyal.

Impeachment laban kay VP Sara, isinulong para pagtakpan ang isyu sa bicam report?

Sa pagtaya ng PNP, nasa limang milyong deboto ang dadagsa sa tinatawag na "Walk of Faith"procession sa piyesta ng Itim na Nazareno.

Sisimulan ang prusisyon sa Quirino Grandstand hanggang Quiapo Church sa Enero 8, mula 2:00 ng madaling araw hanggang 4:00 ng madaling araw.