Arestado ng pulisya ang isang lalaki matapos makuhanan ng hand grenade sa Taguig nitong Sabado, Enero 7.

Kinilala ng Taguig police ang suspek na si Robin Valencia, 42, na nadakip sa Cucumber Road sa FTI Compound, Barangay Western Bicutan, Taguig dakong 1:45 a.m.

Ang pagkakaaresto sa kanya ay nag-ugat sa tawag ng isang barangay intelligence network agent na nagsabi sa pulisya na armado ng hand grenade si Valencia.

Ipinadala sa lugar ang mga intelligence operatives ng Taguig police at nakita ang suspek na may bitbit na granada. Siya ay inaresto matapos mabigong magpakita ng anumang mga dokumento para sa pampasabog.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Kakasuhan ng pulisya si Valencia ng illegal possession of explosives sa ilalim ng Republic Act 9516 (codifying the laws on illegal/unlawful possession, manufacture, dealing in, acquisition or disposition of firearms, ammunition or explosives or instruments used in the manufacturing of firearms, ammunition or explosives, and imposing stiffer penalties for certain violations thereof, and for relevant purposes).

Jonathan Hicap