'When vacation turned into nightmare'

Trending ngayon sa social media ang ibinahaging video ng isang TikTok user matapos maaksidente ang isang ginang sa isang resort sa Zambales noong Enero 2.

PANOORIN: https://vt.tiktok.com/ZS8rDw5eV/

Makikita sa video ang kalunos-lunos na sinapit ng ginang kung saan nabalian siya ng buto sa tuhod matapos tangayin ng malakas na alon ang kasama nito at aksidenteng humampas ang buong katawan sa tuhod ng ginang na naging dahilan ng pagkabali nito.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Ayon sa uploader na si Catcat Melendez, tila naging sunod-sunod umano ang naging senyales na huwag nang ituloy ang kanilang family outing dahil sa ilang araw na pamamalagi ng kaniyang tito at tita na umuwi saglit galing ibang bansa ay may hindi magandang nangyayari sa pamilya.

Kuwento niya, unang araw palang dito sa Pilipinas ay na-food poison na ang kaniyang pinsan, anak ng kaniyang tita na naaksidente, dahil sa umano'y hindi lutong sausage.

"First nagpunta sila Palawan for 2 nights, na na-food poison ang pinsan ko dahil sa undercooked na sausage.

Sumunod, ang pagkansela sa planong pumunta sa Vigan, Ilocos Sur dahil hindi maganda ang pakiramdam ng kanilang anak. Matapos ang dalawang araw, ay nagpasiya sila na ituloy ang Vigan ngunit fully booked at wala ng ma-rentahan na van.

"After that ang plano is after Palawan, the next is Vigan but since nagsusuka at masakit ang tyan eh nacancel Vigan. After 2 days we decided ituloy ang Vigan pero lahat ng rental vans ay fully booked,” saad nito.

Dahil sayang umano ang oras, napagpasyahan nalang ng pamilya na ituloy ang outing sa isang beach resort sa Zambales.

"Then they decided to go to Zambales with the whole fam nalang since eto na ang last trip nila before heading to U.S and this happened nga…"

Nang mangyari ang insidente, inabot umano ng isang oras bago dumating ang ambulansiya, masuwerte namang may naka-bakasyon na doctor at nurse sa kabilang villa kung kaya't nabigyan ng paunang lunas ito.

"The worst part is yung resort yung tumatawag ng ambulance walang sumasagot and it took an hour bago dumating buti may doctor at nurse na nag vacation sa kabilang villa nag-bigay ng first aid.

Subalit, pagkarating sa karatig na ospital ay walang available na doctor. Kung kaya't kinailangan nilang lumipat sa mas malaking ospital.

"Pagdating sa hospital wala daw available na doctor so ang ending ililipat sa Subic Hospital, I believe tertiary hospital na yun kaya hoping madaming doctor ang tutulong pero ang layo pa ng byahe,” anang TikTok user.

Dagdag niya, pagkarating nila sa Subic Hospital, wala pa rin umanong available na doctor at ang tanging magagawa lamang sa araw na iyon ay ang x-ray.

Aniya, kinabukasan lumabas ang resulta ng x-ray 'fractured bones' dahil dito kinakailangan ito isalang sa isang surgery ngunit sa kasamaang palad wala pa rin umanong available na doctor.

Hanggang sa palala na nang palala ang sitwasyon ay napagpasiyahan ng pamilya na iuwi na lamang ang kanilang tita sa bahay, at doon na lamang gagawan ng paraan.

"Habang pauwi kami nasiraan pa kami ng kotse, nag overheat so kailangan pa namin mag exit sa Dinalupihan. Sa dami ng nangyare akala namin tapos na hindi pa pala, may worst pa," aniya

"Kung sino-sinong doctor na tinawagan namin lahat ng resources ginamit namin kung meron silang kilala kaso wala. Pag-uwi namin saktong nakarating na rin ang ambulance.

"Dumiretso kami sa St. Raphael which is sa kanto lang namin, walking distance kaso sabi walang vacant room dahil puno ng Dengue cases at kaka-out lang sa duty ng OPD doctor,” kuwento niya sa video.

Aniya dahil sa haba ng pila ng pasiyente, naghintay pa umano sila kinabukasan upang malaman kung maaari na ba silang lumipad paalis o mananatili para sa surgery.

Labis naman ang pasasalamat ng pamilya sa doctor at nurse na tumulong sa kanila.

Samantala, bumaha ng simpatiya ang naturang TikTok video mula sa netizens:

"Salute to the doctor and nurse. Kahit naka vacation sila they never hesitated na ibigay yung serbisyo nila."

"Get well soon po!"

"Ramdam ko ang sakit sending prayers for your fast recovery maam.."

"I hope she's OK now, praying for your fast recovery po"

"Sobrang thank you po sa Dr. at nurses na tumulong for 1st aid."

"That’s so unfortunate…I hope she’s ok now and she’s feeling a lot better …"

"I hope ok n po sya"

"Get well soon ate sending prayers for fast recovery"

"Ako din nasaktan para kay tita. pagaling po kayo"