As usual, sari-saring reaksyon muli ang inani ng fashion socialite at tinaguriang “crazy rich Asian” na si Heart Evangelista kasunod ng naispatang milyones na halagang limited edition na luxury handbag.

Bago lumipad ng Japan nitong New Year, nakita na ng milyun-milyong followers ni Heart ang kaniyang Hermes Neige Faubourg Birkin 20 White Matte Alligator Handbag na ikinaloka ng fashion enthusiasts.

Ayon sa luxury fashion store naonline fashion store naMaison de Luxe, kumpirmadong ang halaga ng naturang bag ay nasa tumataginting na P20,611,534.29 o higit pa, kagaya ng mga naunang hinuha ng followers ng aktres.

Human-Interest

Sculpture ni Josephine Bracken na likha ni Jose Rizal, ipapa-auction

Basahin: Crazy rich Asian: Limited edition Hermes bag ni Heart, tumataginting na P20.6-M ang halaga! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Literal na isang crazy rich Asian lang ang kayang maka-afford nito!

Samantala, matapos umani ng atensyon ang paandar na bag ni Heart, sari-saring komento naman ang tinamo ng aktres mula sa tila bantay-saradong netizens.

Habang ang ilan ay sang-ayon na deserve na deserve ni Heart na ma-spoil ang sarili dahil sa kaliwa’t kanang raket nito sa loob at sa labas ng bansa, ilan pa rin ang nasa posisyon ng panghihinayang sa labis-labis na rangya at halaga umano ng isang pirasong bag na sana’y nailaan na lang sa mas makabuluhan paggasta, anila.

“Wala tayong pakialam kahit ano pa ang bilhin ni heart isa pa pinaghirapan nya yan di naman nakaw ang iba nga dyan panay display ng mamahaling gamit galing naman sa kurapsyon at nakaw, maging masaya na lang tayo para sa kanya kung baga mind ur ownbisnis na lang at ang ating sariling buhay ang bantayan lol,” depensa ng isang follower ng Balita sa fashion socialite.

“That’s her way to enjoy her life at pinaghirapan nya din naman ang ipinambili nyan…what a feeling,😍😁” segunda ng isa pa.

“Investment nya talga ang branded bags at alahas. Kasi mas madali to ibenta at sa linya ng trabaho nya. Apaka mo talaga Heart E!”

“Anyone can buy anything she wants as long as she worked hard for it.”

“Expensive or not the thing you buy just to make you happy is what make you most .”

Pag-angal naman ng ilan: isang kahibangan umano ang pagbili ng milyones na halaga ng bag.

“Kung ako may ganyan, sa lupa q i-invest. Kahit bilhin ko lahat ng lupa sa Pinas kesa sa bag,” pagbibigay saloobin ng isang netizen sa parehong istorya ng Balita.

“A fraction of that amount could feed hungry street children. Kahit tuwing pasko lng sana.”

“Malaking kalokohan yan hndi tanga mga tao!”

“Sana itulong na lang sa iba sa mahihirap.”

“Ultimate b*b* at t*ng* lang bibili ng bag na 20M!”

“Very extravagant! An outrageous price of a bag for what?”

“Kahit gaano pa kamahal ‘yan, ‘pag natigok ka, ‘di mo madadala ‘yan [sa langit]!”

Mula noon, kilala at hindi maikakailang kontrobersyal na ang magarbo at pagkahilig ni Heart sa mga mamahalin at branded na mga bag na aniya’y naging investment niya na rin dahil sa kaniyang linya ng trabaho bilang aktres at fashion model.