Ito ang isa sa trending na usapan ngayon online matapos ibahagi kamakailan ng wrestler-turned-actor na si Dave Bautista ang pagtakip ng isang burda sa katawan na noo'y laan sa koponan ni People’s Champ Manny Pacquiao.

Sa kamakailang GQ feature, tampok sa panayam sa Hollywood star ang ilang kuwento sa likod ng kaniyang naglalakihang tattoo.

Partikular namang pinag-usapan ng Pinoy netizens ang buradong tattoo ng aktor sa bandang bisig nito na bagaman ay hindi nabanggit ni Dave ang boxing star ay napag-alamang si Pacquiao ang tinutukoy ayon sa isang ulat.

“It used to be a team logo, I was part of a team of a person I considered a friend and someone I really looked up to and then he later came out publicly with some anti-gay statements,” ani Dave sa naturang panayam na ibinahagi sa YouTube, Huwebes.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Sa mga laban noon ng Pinoy boxing champ, matatandaang ilang beses na naispatan sa koponan ni Pacquiao ang wrestling star.

Paliwanag niya, isang personal na isyu ang mabigat na pahayag noon ni Pacquiao lalo’t ang kaniyang ina ay bahagi rin ng LGBTQ+ community.

“[He] turned out to be an extreme homophobe and I had a huge issue with it. It’s a personal issue with me, my mom is a lesbian, and I just could no longer call him a friend,” anang isa ring sports champ.

Matatandaan ang malawakang pagkondena sa pahayag ni Pacquaio laban sa LGBTQ+ noong 2016 nang ilarawan sila ng relihiyusong politiko bilang “mas masahol pa sa hayop.”

Kabilang sa mga hindi natuwa rito si Dave na sinabing “f*cking idiot” ang naturang pahayag ng noo’y kaibigan. “If anyone called my mother an animal, I’d stick my foot in his ass,” ">aniya pa noon.

Ang “Guardians of the Galaxy” star bagaman dismayado, ay kinilala rin noon ang kaibahan ng personal na pananaw ni Pacquiao kabilang na sa sensitibong usapin sangkot ang sektor ng LGBTQ+.

Wala pang pahayag si Pacquiao ukol sa viral na pahayag ng dating kaibigan.