Humingi na ng paumanhin sa Philippine Basketball Association (PBA) si Bay Area Dragons (BAD) head coach Brian Goorjian kaugnay sa pambabatikos ng dalawa niyang manlalaro sa naturang liga matapos matalo ang koponan sa Game 3 ng Commissioner's Cup Finals series nitong Enero 4.

Binanggit ni Goorjian ang insidente ng pagpuna nina reserve import Myles Powell at Hayden Blankley sa officiating ng liga nang matalo ng Ginebra ang Dragons, 89-82 nitong Miyerkules.

Idinaan ni Blankley sa social media ang pambabatiko sa PBA matapos sabihing "luto" ang nasabing laban.

Sinabi naman ni Powell sa kantang Twitter account na, "dapat pagbutihin" ng PBA ang kanilang trabaho matapos niyang punahin ang hindi magkatugmang bilang ng foul ng dalawang koponan.

National

Kahit nagpapagaling: Doc Willie Ong, pinapanalanging maging maayos na sina PBBM at VP Sara

"When you lose, that emotion runs through you, referees are always talked about. But it shouldn't have been done on social media.We apologize for it. It will never happen again," pagbibigay-diin ni Goorjian sa panayam sa telebisyon nitong Sabado.

"I support the referees here. I've never said anything negative about the PBA, I've never said anything negative about the referees," lahad pa ni Goorjian.

Sina Blankley at Powell ay pinagmulta ng PBA dahil na rin sa insidente.

Nasa₱75,000 ang multa ni Blankley habang si Powell ay pinatawan naman ng multang₱100,000.