Nasamsam ng pulisya ang P714,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu mula sa dalawang drug suspect sa ikinasang buy-bust operation sa Caloocan nitong Biyernes, Enero 6.

Kinilala ni Lt. Col. Renato Castillo, Northern Police District-District Drug Enforcement Unit (NPD-DDEU) chief, ang mga suspek na sina Farok Carnabal at Akim Basher, parehong 18-anyos, at high-value individuals (HVI).

Ayon sa police report, isinagawa ng NDP-DDEU ang buy-bust operation nitong Biyernes dakong 2:05 PM.

Nahuli ang mga suspek sa kanilang tahanan sa Barangay 188, Caloocan City.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Narekober din sa mga suspek ang dalawang transparent plastic bags at isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng 105 grams ng umano'y shabu na may halagang P714,000.

DInala na ang mga naarestong suspek sa tanggapan ng NPD-DDEU para sa pagsasampa ng mga kaso kaugnay sa paglabag sa Republic Act No. 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ayon sa pulisya.

Diann Calucin