Nanindigan si Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi siya nakialam sa kaso ng kanyang anak kaugnay sa pag-iingat ng illegal drugs hanggang sa ito ay maabsuwelto ng hukuman nitong Biyernes.

Aniya, gumaan na umano ang kanyang loob kasunod ng pagpapawalang-sala niLasPiñas City Regional Trial Court (RTC) Branch 197 Judge Ricardo Moldez II, sa anak na si Juanito Jose Remulla III sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

"He had the right to be presumed innocent in the first place, I am just glad justice is served,” sabi ng kalihim sa mga mamamahayag nitong Biyernes ng hapon.

Naaresto si Juanito Jose sa ikinasang controlled delivery operation ng mga tauhan ngPhilippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group dahil sa pag-iingat ng mahigit 900 gramo ng kush o high grade marijuana sa nasabing lungsod noong Oktubre 11, 2022.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente