Pinawi ng Department of Health ang pangamba ng publiko sa gitna ng lumalaking alalahanin para sa Omicron subvariant  XBB.1.5. Gayunpaman, hindi dapat na makampante ang lahat para sa banta pa rin nito.

Sa kasalukuyan, wala pa rin sa Pilipinas sa mas nakahahawang subvariant na ng Covid-19 Omicron variant.

Basahin: ‘Di pa nade-detect ang Omicron XBB.1.5 sa PH — DOH – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“For whatever variants that will come in the country, as long as our people know how to protect themselves through vaccination and through the compliance to the minimum public health standards, we need not worry. And as long as our healthcare system is ready and it is manageable, okay po tayo,” sabi ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire sa isang press briefing noong Biyernes, Enero 6.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"Kahit anong variant, kahit gaano pa ito nakakahawa, hangga't nakahanda ang ating healthcare system at ang ating mga tao ay protektado ng mga bakuna, hindi natin makikita ang napakaraming sistema," dagdag niya.

Gayunpaman, dapat manatiling mapagbantay ang publiko dahil ang subvariant na ito ang kasalukuyang sanhi ng pagtaas ng mga kaso ng Covid-19 sa Amerika.

Sa pagbanggit sa mga obserbasyon ng World Health Organization (WHO) at iba pang internasyonal na eksperto, sinabi ni Vergeire na "ito ang pinaka-nakahahawang variant sa ngayon."

“In the US, during the first week of December, they were only able to detect around four percent of their cases na meron nitong(that have this) XBB.1.5. But during the last week of December, ang kanilang XBB.1.5 already comprises 40 percent of their infection, so nakikita natin how transmissible this variant is,” ani Vergeire.

Trend ng kaso sa Pilipinas

Sa kasalukuyan, bumababa pa rin ang bilang ng mga bagong kaso ng Covid-19 sa Pilipinas, ani Vergeire.

“Ngayon, nakikita natin ang ating mga kaso sa ating bansa ng Covid-19 ay patuloy na bumababa. It has plateaued and has declined pero hindi natin masasabi na magtutuloy-tuloy ito. Kailangan pa rin natin maging mapagmatyag and monitor,” sabi niya.

“Based on our current trends, our number of cases is lower by 28 percent compared to the previous week. We are now averaging 426 cases per day,” dagdag pa niya.

Nang tanungin kung muli bang makakakita ang Pilipinas ng mahigit 30,000 kaso tulad ng nangyari noong nakaraang taon dahil sa variant ng Omicron, sinabi ni Vergeire na malabong umabot ang senaryo na ito.

“We are not seeing in our estimates this rise in the number of infections. If you remember during the time of Omicron, we hit around 30,000 plus per day. At sa ngayon, kumpara sa 426 cases per day, malayo po ang comparison. And we are not seeing, even in our projections,” anang opisyal.

Analou de Vera