Ito ang kumpirmasyon mismo mula sa fan favorite ngayong taon sa Miss Universe 2022 na si Miss Curaçao Gabriela Dos Santos na positibo pa rin at nananatiling mataas ang moral mahigit isang linggo bago ang inaabangang finale.

Anang beauty queen, mas maayos na rin ang kaniyang kalagayan ngayon at sa katunayan ay hindi rin aniya siya nakaramdam ng indikasyon na siya’y positibo sa nakahahawang virus hanggang sa mapasailalim nga ng isang test nang lumapag sa New Orleans, Louisiana.

“I really didn’t know I have Covid until I got tested. I think it’s so mental that when you know you are sick, and you feel even more sick,” ani Gaby sa isang pahayag na inilabas sa Instagram page ng Curacao Beauty Pageant Committee.

Pagtitiyak pa ng delagada at bilang pag-obserba sa protocols, mananatili siya sa kaniyang silid hanggang sa tuluyang makarekober.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Guys, trust me I’m doing better. I’ll be staying in the room. [I’ll] be responsible, taking care of my health because that’s number one and hopefully, I’ll be out in five days,” pagpapatuloy ni Gaby.

Determinadong saad ng veauty queen, hindi rin aniya siya mapipigilan ng sakit para basta-basta na lang isuko ang kaniyang Miss Universe journey.

“I’m currently in the room and taking five days of quarantine and they told me if I feel better and if I test negative for Covid on the fifth day, I’ll be able to step out and still compete in the Miss Universe competition. So it’s not over yet,” ani Gabby.

Sa darating na Enero 14 magaganap ang finale ng ika-71 edisyon ng Miss Universe.