Isa sa napili si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na magiging miyembro ng 5-man committee na mag-iimbestiga sa mga heneral at koronel ng Philippine National Police (PNP) na magsusumite ng courtesy resignation dahil sa pagkakadawit umano sabentahan ng iligal na droga sa bansa.

Ito ang isinapubliko niDepartment of the Interior and LocalGovernment (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. nitong Biyernes.

Aniya, si Magalong, dating hepe ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), ay napili na isa sa miyembro ng komite dahil malinis umano ang rekord nito at hindi sangkot sa illegal drugs.

Noong 2019, kabilang si Magalong sa tumestigo sa Senado laban sa mga tinatawag na "ninja cops" o mga pulis na sangkot sa pagre-recycle ng mga kumpiskadong illegal drugs.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Sa naturang pagdinig, kabilang sa pinangalanan ni Magalong na sangkot sa iligal na droga si datingPNP chief Oscar Albayalde.

Nauna nangsinabi ni PNP chief Gen.Rodolfo Azurin, Jr. na nagsumite na sila ng listahan kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na maaaring pagpiliang magiging miyembro ng 5-man committee.