Sasabak muli sa paglalaro sa Philippine Basketball Association (PBA) si dating most valuable player James Yap.

Ito ay matapos pumirma ng isang taong kontrata sa Rain or Shine (ROS), ayon sa pahayag ng koponan nitong Biyernes, Enero 6.

“Big Game is back for more.James Yap is officially back with the Rain or Shine Elasto Painters and will play in the upcoming Governor’s Cup. James was offered a one-year deal, but he opted to sign for one conference only. Yap says that he will do his best to balance basketball and public service,” ayon Facebook post ng ROS.

Hindi naglaro si Yap sa loob ng tatlong kumperensya matapos sumabak sa pulitika sa San Juan kung saan isa na siya sa konsehal ng lungsod.

'Impeach Sara!' Ilang progresibong grupo nagkilos protesta sa harap ng Kamara

Dahil dito, nabuhayan ng loob sinaROS owners Raymond Yu at Terry Que at kumpiyansa silang magbibigay ng inspirasyon si Yap sa mga bagong manlalaro ng koponan.

Magiging kakampi ni Yap sa koponan sinaRey Nambatac, Gian Mamuyac, Andrei Caracut, Santi Santillan, Anton Asistio, Mike Nieto at Shaun Ildefonso.

Kasama rin nito sa ROS ang mga beterano na sinaBeau Belga, Gabe Norwood at Jewel Ponferrada.

Reynald Magallon