Ibinahagi ng singer-vlogger na si Donnalyn Bartolome ang kaniyang saloobin matapos mag-viral ang nauna niyang pahayag tungkol sa mga umano'y nalulungkot sa pagbabalik-trabaho matapos ang holiday season. 

Sa isang mahabang Facebook post nitong Huwebes, Enero 5, nagpasalamat una si Donnalyn sa mga taong hindi tinake negatively ang nauna niyang post.

"Hey, thanks to everyone who didn’t take my post negatively. I’m posting to let you know that yung positivity na yun hindi nanggaling sa privilege, matter of fact, it came from experience.. hindi lang talaga ako pala-share ng hirap kasi lagi kong iniisip na baka lalo akong makabigat sa buhay niyo. Mali pala yun.. okay din pala na minsan malaman ng mga tao yung hirap mo at hindi lang yung success mo.

"Dahil achievements lang ang pinopost ko at hindi masyado yung hirap, though minemention ko yun sa vlog ko from time to time, I just don’t dwell kasi baka maging dark masyado, so dahil ganun nga, ang dating talaga is wala akong karapatan magsalita. NakakaBaffle nga naman yung mga taong sobrang positive kasi parang wala silang dinadala, pero I realized matinding defense mechanism na pala nabuild ko.. Ang piliing maging masaya. Kahit wala na siya.. CHARRR. Kidding aside. Ang piliing maging masaya, kahit anghirap hirap na."

Donnalyn sa mga 'nalungkot' dahil back to work na: 'Dapat grateful kasi may work...'

ikinuwento pa ni Donnalyn ang mga naging karanasan niya noong wala pa siyang pangalan sa industriya at kung gaano kahirap ang pinagdaanan niya noon. Dumating daw siya sa punto na lumuluhod siya sa Diyos para may makain kinabukasan.

"Sa lahat ng nasaktan, gusto ko malaman mo pinagdaanan ko din mga sinasabi niyo God knows. Nagcollect ako ng pictures. Dumating ako sa point na lumuluhod ako nagmamakaawa kay God para may makain the next day, pangbayad sa tuition.. sa bahay, bills," ani Donnalyn.

"Naranasan kong wala nang trabaho kaya siguro sobra ko pahalagahan.. naranasan ko magcommute sa Bus, MRT, Jeep, FX, Tricycle.. yung pila, siksikan, init.. alam ko talaga. Pero siguro sa pagpapalaki talaga saakin kung bakit ako ganito. Janitor ang lolo ko noon, sasakay kami sa bus.. walang bahid na reklamo sa init at pagod kaya na-adapt ko siguro? Nakapagpatapos siya ng tatlong anak, wala talagang negative na Lumabas sa bibig niya tungkol sa trabaho niya, proud pa siya dala dala niya pa apo niya sa pagJajanitor. Men baka kaya magaling ako magMop cause I got it from my lolo?

"Inaaliw niya ako sa pagpagpailaw niya ng bulb gamit pinagdikit niyang wire at isang pirasong battery. Kala ko talaga magikero lolo ko noon. Anggaling lang pala niya magdala, positivity lang talaga tinuro niya saakin. Sa ganun kasimple amazed nako. Dagdag mo pa mommy ko na nagbebenta lang noon ng Banana Q sa kalsada pero wala talagang bahid na reklamo, pag kinkwento nila ang mga times sa buhay nilang yun, puro saya.. puro gratefulness. Dinala ko hanggang sa paglaki ko. I clinged to it. Kaya when it was time for me to work, nung tinuruan akong tumayo sa sarili kong paa nang walang tulong, pag may struggles, anghirap magreklamo. Nahihiya ako sa pinanggalingan ng lolo ko, ng mommy ko.. ng dad ko. Hindi ko pinagsisisihan na kinapitan ko yun. It’s what got me to where I am," kuwento pa ng singer.

Kalakip ng naturang Facebook post ang mga larawan na may laman na kwento na mababasa sa caption--mula nang bata siya hanggang sa magkaroon ng trabaho at sumikat. 

Samantala, inamin ni Donnalyn na mali ang pagpili niya ng mga salita. Kaya ulit daw siya nagpost ay hindi para mag-'save face' ngunit para maipakita ang sinseridad niya na inaamin niya ang pagkakamali niya.

Bingyang-diin niya na wala raw siyang intensyon na manakit.

"Sa di tatapos ng post, I admitted mali ang choice of words ko. And I’m only sharing these experiences in hopes to show sincerity of me admitting that error and not just to save face, kasi like all of you may pinagdaanan din ako so last thing I’d want to do is hurt any of you. Madali magsorry pero how do you know the person really meant no harm? Pag nakilala mo siyang konti. That is the purpose of this post."

KAUGNAY NA BALITA:

Donnalyn sa mga ‘nalungkot’ dahil back to work na: ‘Dapat grateful kasi may work…’

https://balita.net.ph/2023/01/04/pahayag-ni-donnalyn-ukol-sa-balik-trabaho-umani-ng-samut-saring-reaksyon-mula-sa-netizens/">Pahayag ni Donnalyn ukol sa balik-trabaho, umani ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens