Tila'y hindi pa dito nagtatapos ang isyung 'cheating' nang muling nadawit ang pangalan ng esports player na si Tristan Cabrera o mas kilala bilang “Yawi Esports,'' matapos aminin umano ng isang TikTok star na si Mary Joy Santiago na nagcha-chat umano si Yawi sa kaniya.

Sa serye ng screenshots na ibinahagi ng netizen na si Merrie Lette, ibinahagi nito ang conversation umano ng kaniyang pinsan at ni Mary Joy Santiago– isang TikTok star at babaeng idinadawit sa hiwalayang Mccoy De Leon at Elisse Joson.

BASAHIN: Sey ni girl na dawit sa umano’y ‘hiwalayang’ McLisse: ‘Break na sila bago kami mag-usap ni McCoy’

Makikita sa inilabas na mga screenshot na kinakausap daw umano ni Yawi si Mary Joy.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Oh btw si Yawi nagchachat din saken yun, gusto mo refer kita? For experience? Kaso di ka magugustuhan nun,” ani Mary Joy sa pinsan ni Merrie Lette.

Larawan: Merrie Lette/FB

Agad naman na uminit ang ulo ng ilang netizens dahil sa gawain umano ng esports player.

Matatandaang ilang beses na umanong kinumpronta ni Peter Bryce “Basic” Lozano ang kaibigan niyang si Yawi upang gawin ang tama.

Aniya, “Siya na bahala mag ano nun. I mean tanggap naman niya eh, ‘di awkward ‘yun kasi kinausap ko siya bago ko i-post. ‘Di ko basta-basta ipinost ‘yun. Kinausap ko siya sabi ko, gawin niya yung tama. Wala eh, ‘di niya ginawa yung tama.”

“Alam mo, sa akin kasi wala naman akong ginagawang mali sa kaniya. Lesson na lang sa kaniya ‘yun guys,” dagdag pa niya.

BASAHIN: Basic Gaming, nagbigay umano ng warning kay Yawi bago i-ispluk ang kaniyang ‘cheating’ issue

Matapos mag-viral ang mga screenshots na inilabas ni Basic Gaming at iba pang kumakalat na convo, tila'y may mga parinig naman sa Twitter account ang dating kasintahan ni Yawi na si Jennifer Nierva.

“So you’re telling me there’s more? hahahaha."

Samantala, wala pang tugon, reaksyon, o pahayag si Yawi o iba pang mga pangalang nabanggit tungkol dito.