Pinagpipiyestahan ngayon sa social media ang mga screenshot na inilabas ng ex-girlfriend ni Kelvin Miranda na si Roselle Vytiaco, hinggil sa panloloko umano ng Kapuso actor sa kaniya—na siyang dahilan ng kanilang hiwalayan.

BASAHIN: Ex-jowa ni Kelvin Miranda, may pasabog; Kira Balinger, dawit

Agad naman napansin ng mga netizens na hindi na umano naka-follow sa isa't isa sina Kira at Kelvin sa Instagram.

National

Magnitude 4.2 na lindol, yumanig sa Batanes

Ibinahagi ni Roselle sa kanyang Instagram story na ang kaniyang dating nobyo at ang babae ay parehong bida sa isang upcoming film. Ang akala niya raw noon na hanggang sa taping lang ‘yung sweetness ng dalawa, naging totoo na pala.

Aniya, “Meron silang upcoming film. Sila yung bida pareho. Ever since we started dating, I'm very open to our field of work kasi halos same kami na may nakawork na iba't-ibang tao. Sa kaniya nga may mga bed scene pa but full support ako sa kaniya, as is never naging problem sa akin.”

Naikuwento rin niya kung paano magselos ang dating nobyo nitong si Kelvin at kung gaano ka toxic ito.

“He's toxic AF. Manipulative and Narcissistic. Matagal na ako nakikipaghiwalay sa kaniya pero lagi siyang mananakot na magpapakamatay siya. Self-harm to manipulate the situation,” pagbabahagi niya.

Pabiro naman niyang inilarawan na may habulan pa daw na nangyari bago niya nabasa ang convo ng dating nobyo niya at ng babae nito.

“Kung nagtataka kayo kung paano ko nakuha ang screenshots ng convo nila, funny kasi. Parang naging snatcher ako ng phone, mga 2 minutes. Basta pagkuha ko ng phone niya, nag screen record lang ako kunwari binabasa ko convo nila pero ini-scan ko lang talaga,” ani Roselle.

“Tapos noong nakita niya na may recording, doon na ako tumakbo papalayo. Tapos noong na air-drop ko na, doon ko na dinelete tapos binigay yung phone sa kaniya. Ito ang totoong 'DELETER' guys,” dagdag pa niya.

Inamin naman ni Roselle na nasaktan umano siya sa nalaman niya at sa ginawa ng nobyo niya sa kaniya, pero di niya rin maiwasan na mag-alala rin kay Kelvin dahil sa mental health nito.

Aniya, "Somehow concerned pa rin ako sa dito sa ex ko eh. Kinakausap ko siya about dyan kay girl. Since meron siyang mental health problems, wag na siya diyan sa kay girl pero ang sabi niya, kailangan niya daw panindigan yung paniniwala niya sa fictional character."

Kaya ilang mga netizens ngayon ang nagsabi na guilty raw umano ang dalawa.

''Panandaliang landian.''

''Nahuli eh, HAHAHAHAHA.''

''Playing safe na naman.''

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang mga pangalang nabanggit dito.