May panawagan ang social media influencer na si Mika Salamanca sa mga ‘cheater’ sa kasagsagan ng kabi-kabilang 'cheating' issue na lumalantad ngayon sa social media.
"HOY LAHAT NG CHEATER DYAN UMAMIN NA HABANG JANUARY PA!!! Simulan at tapusin na naten ito ngayon palang!!" saad ni Mika sa kaniyang tweet nitong Enero 5.
Ilan sa mga nadawit sa cheating issue ay ang professional esports player na si Tristan Cabrera, o mas kilala bilang Yawi Esport at ang aktor na si Mccoy de Leon.
Kamakailan lamang, si Yawi ang naging pinakabagong celebrity na binatikos ng netizens dahil sa umano’y panloloko sa kaniyang girlfriend na si Jennifer Nierva ng National University.
BASAHIN: Screenshot ng ‘pakikipagharutan’ ni Yawi Cabrera sa ibang babae, viral
Sumunod naman dito ay ang post ng Facebook user na si Merrie Lette, kung saan ibinahagi nito ang screenshots ng palitan ng pag-uusap nila ni Mary Joy Santiago na umano’y naging dahilan ng hiwalayang 'McLisse'.
BASAHIN: Sey ni girl na dawit sa umano’y ‘hiwalayang’ McLisse: ‘Break na sila bago kami mag-usap ni McCoy’
Samantala, naging katuwaan naman para sa ilang netizens ang tweet ni Mika:
"AAMIN NA AKO NAGCHEAT AKO SA GTA"
"Hesoyam" pagsakay naman ni Mika sa biro ng isang netizen.
"FYI!! Walang CHEATER ang Hindi umaamin hangat walang evidence kaya kilatisin nyo ang jowa nyo ng maiigi. HAHAHAH"
"Aamin na po ako"
"HAHAHAHAHAHAHA month of exposing cheater ata ngayon😭😭😭"
"AAMIN NAKO NAG CHEAT AKO SA EXAM NAMIN🥺"
"Sa bounce lang po ako nagcheat. 787898"
"Swerte mo sakin loyal ako sayo."