Viral ngayon ang naging pahayag ng singer-vlogger na si Donnalyn Bartolome kaya naman isa ang online personality na si Janina Vela sa mga nag-react dito.

Sa isang tweet, sinabi ni Janina na naiintindihan niya si Donnalyn pero sana raw ay naiintindihan din nito na hindi ito simple para sa mamamayang na maghanap ng trabaho na "pakikiligin" sila.

"I understand Ate Donnalyn—pero sana maintindihan rin niya na hindi ganun ka simple para sa mamamayan na maghanap lang ng work na papakililigin ka. Some even struggle to find jobs with fair wages & work hours," aniya nitong Miyerkules, Enero 4.

"Oo, kailangan natin maging grateful, pero valid mapagod at malungkot," dagdag pa niya.

Donnalyn sa mga 'nalungkot' dahil back to work na: 'Dapat grateful kasi may work...'

https://twitter.com/janinavela/status/1610558517093728257

Matatandaang nag-post si Donnalyn noong Martes, Enero 3, hinggil sa mga netizen na nalulungkot umano dahil balik-trabaho na matapos ang holiday season.

“Bakit may sad dahil back to work na? Diba dapat masaya ka kasi may chance ka na pagandahin buhay mo at ng pamilya?” saad ni Donnalyn sa kaniyang Facebook post nitong Martes, Enero 3.

Dagdag pa niya, dapat daw na maging grateful dahil may trabaho: “Trip ko pa nga may work ng January 1 dahil superstition ko may work ako buong taon pag ganun. Dapat grateful kasi may work.”

“If work makes you unhappy, I hope you find a job that will. Yung pakikiligin ka and sheet,” aniya pa.

Sa dulong bahagi ng post, reminder lang daw ang nasabing post na isang blessing ang pagkakaroon ng trabaho.

“Anyway, this is just a reminder that having a job is a blessing bessss change mindset, it’s 2023!!”

Umani rin ito ng samu't saring reaksyon mula sa mga netizen.