Tumaas sa 8.1 porsyento ang inflation o antas ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin nitong Disyembre 2022, ayon sa pahayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Huwebes.

Sinabi ni National Statistician, PSA chief Claire Dennis Mapa, mabilis ang pagsirit ng inflation sa nasabing buwan kumpara 8.0 porsyento nitong Nobyembre 2022.

Ito na aniya ang pinakamabilis na inflation mula sa naitalang 9.1 porsyento noong Nobyembre 2008.

Ang naitala nitong nakaraang Disyembre ay pasok pa rin sa pagtaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mula 7.8 hanggang 8.6 porsyento para sa naturang panahon.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

“Ang pangunahing dahilan ng mas mataas na antas ng inflation nitong Disyembre 2022 kaysa noong Nobyembre 2022 ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng Food and Non-Alcoholic Beverages,” dagdag pa ni Mapa sa isang television interview nitong Huwebes.