Hiniling ni suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag sa Office of the Ombudsman na suspendihin si Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla dahil siya umano ang "utak" sa pagpatay kina veteran journalist Percival "Percy Lapid" Mabasa at sa umano'y "middleman" na si Cristito "Jun" Villamor.

Ito ay kasunod ng pagsasampani Bantag ng reklamong murder atgrave misconduct, conduct prejudicial to the best interest of service and conduct unbecoming of a public official laban kay Remulla.

Sa kanyang reklamo, inakusahan nito si Remulla na nag-utos umano sa inmate na si German/Herman Agojo na patayin sina Mabasa at Villamor.

Kabilang si Agojo sa kinasuhan, kasama sina BuCor officer-in-chargeGregorio Catapang, Jr. at mga inmate ng New Bilibid Prison (NBP) na sina Alfie Peñaredonda, Aldrin Galicia, Mario Alvarez at Alvin Labra.

2 dambuhalang sawa, nahuli sa kisame ng magkaibang bahay, 1 sa kanila, nakalunok ng tuta!

Sa kanyang reklamo, binanggit ni Bantag na si Peñaredonda ay commander ngHappyGoLucky Gang, commander naman ng Sputnik Gang si Galicia habang si Labra pinuno ng Batang City Jail (BCJ) Gang sa NBP.

Sina Peñaredonda, Galicia at Labra ay isinasangkot ngNational Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) sa pagpatay kay Mabasa.

Idinadawitnaman sina Alvarez, miyembro ngSputnik Gang, kasama sina Labra at Galicia sa pagpatay kay Villamor sa loob ng NBP nitong Oktubre 18, 2022.

Matatandaangsi Agojo lang ang tinukoy ng self-confessed gunman ni Mabasa na si Joel Escorial sa kanyang affidavit na dati niyang boss sa Tanauan, Batangas na umano'y nag-utos sa kanila na pumatay.

Dati na ring sinabi ni Escorial na boss ni Villamor si Agojo.

Sa complaint affidavit ni Bantag, binanggit na inupahan umano ni Agojo si Villamor upang kontakin si Escorial na umaming bumaril kay Mabasa sa labas ng BF Resort Village sa LasPiñas nitong Oktubre 3, 2022.

Kinausap din umano ni Agojo ang tatlong grupo sa NBP upang paslangin si Villamor.

“[I]t is clear that Remulla and German Agojo know each other. Agojo had been applying for parole and Secretary Remullaknowsabout this. Besides, Secretary Remulla caused the immediate transfer of Agojo to the NBI without his statements being taken despite the fact that he is a person of interest as stated by Secretary Remulla himself,” pahayag ni Bantag.

Isinama rin ni Bantag sa kanyang reklamo ang sinasabing kopya ng liham ni Remulla kay Catapang na may petsang Oktubre 26, 2022 na nag-uutos na ilipat si Agojo sa kustodiya ng NBI mula saIntelligence Service of the AFP (ISAFP) upang isailalim sa imbestigasyon dahil sa pagiging person-of-interest sa pagpatay kina Mabasa at Villamor.

Itinanggi naman ni Remulla ang alegasyon ni Bantag at sinabing isa lang ito sa hakbang ng isang "taong desperado."