Isa rin sa mga nag-react sa balik-trabaho post ni Donnalyn Bartolome ay ang drag queen na si Eva Le Queen.

"It’s arrogant and privileged to tell wage earners and anyone trying to make a living to just be grateful and that their grievances is just a matter of not being grateful," saad ni Eva sa kaniyang tweet nitong Miyerkules, Enero 4.

"That is their truth and should not be invalidated. Focus on yourself. Wag mo na pakialaman ung iba teh," dagdag pa niya.

Donnalyn sa mga 'nalungkot' dahil back to work na: 'Dapat grateful kasi may work...'

https://twitter.com/eva_lequeen/status/1610482872447807488

Matatandaang nagtataka si Donnalyn Bartolome kung bakit may mga taong nalulungkot sa muling pagbabalik-trabaho matapos ang mahaba-habang bakasyon. Dapat daw masaya sa pagpasok dahil may blessing ng trabaho. Kung siya nga raw ang tatanungin, bet niyang magtrabaho sa unang araw ng Enero para may tuloy-tuloy na trabaho sa buong 2023.

Umani ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizens ang naging pahayag niya. Kaya naman hindi rin napigilan ng mga netizen na balikan ang tweet niya noong 2018 hinggil sa pagiging "malungkot."