Isinapubliko ni Philippine National Police (PNP) chief General Rodolfo Azurin, Jr. na hindi bababa sa 10 heneral at koronel sa kanilang hanay ang sangkot umano sa bentahan ng illegal drugs sa bansa.
Sa pulong balitaan sa PNP Media Center sa Camp Crame nitong Huwebes ng umaga, nasa listahan nila ang mga nasabing opisyal.
Gayunman, tumanggi si Azurin na ibunyag ang pagkakakilanlan ng mga ito.
Aniya, kinumbinsi na niya ang mga opisyal na magsumite ng courtesy resignation sa 5-man committee na inatasang mag-iimbestiga laban sa mga ito.
Kabilang aniya ang mga ito sa 956 heneral at koronel ng PNP na ipinanawagan ni Departmentof Interior and Local Government (DILG) ng magbitiw sa kanilang puwesto kamakailan.
Layunin ng panawagan na matanggal sa PNP ang mga tiwaling opisyal na sangkot sa illegal drugs.