Uumpisahan nang imbestigahan ng Senado sa Enero 12 ang pagpalya ng air traffic management system ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na nagresulta sa pagkaantala ng biyahe ng mahigit sa 60,000 pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Bagong Taon.

Ito ang pahayag ni Senate Committee on Public Services chairwoman, Senator Grace Poe nitong Miyerkules, Enero 4.

Sinabi ng senador na hindi kaagad na nakapag-imbestiga ang Senado dahil nais pa nilang bigyan ng sapat na panahon ang CAAP at Department of Transportation (DOTr) upang maibalik sa normal ang operasyon sa airport.

"We can conduct hearings even during the break. I intend to call for a hearing on Thursday, Jan. 12, allowing CAAP & DOTR to normalize airport operations before conducting a hearing. By that time, key executives should not have an excuse not to attend," sabi ng senador.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

Bukod kay Poe, naghain din ng resolusyon ang ilang senador na humihiling na alamin kung sinu-sino ang mananagot sa naturang insidente at upang hindi na ito maulit.

Kaugnay nito, nagpahayag naman ng pangamba si Senator Nancy Binay sa isinusulong na isapribado na lang ang national aviation system.

“Non-negotiable 'yan, otherwise that means reducing the government's involvement and control of our airspace.We welcome privatization in terms of commercial operations within the airport complex, but we should not be entertaining private handling of air traffic because it impairs national security," pagbibigay-diin pa ni Binay.

Philippine News Agency