Pinagbibitiw na ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos, Jr. ang mga heneral at koronel ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa pagkakadawit umano sa bentahan ng illegal drugs sa bansa.

"Ako ay nananawagan sa lahat ng full colonel hanggang sa general, ako ay umaapela na mag-submit ng courtesy resignation," banggit ni Abalos sa isinagawang pulong balitaan nitong Miyerkules.

Dahilan ni Abalos, bahagi lang ito ng hakbang ng gobyerno upang malansag sa hanay ng PNP ang mga opisyal na dawit sa iligal na droga.

Gayunman, hindi isinapubliko ni Abalos ang pagkakakilanlan ng mga opisyal ng PNP.

National

Sen. Imee sa sinabi ni Tiangco: 'Panahon na para ibasura ang impeachment ni VP Sara'

Aniya, ang pagbibitiw ng mga ito sa puwesto ay makatutulong sa panunumbalik ng tiwala ng publiko sa anti-drug campaign ng pamahalaan.

Maglulunsadaniya ngimbestigasyon ang binuong fact-finding committee kaugnay sa pagkakasangkot ng PNP sa illegal drug trade.

"This is a very radical move, but we have to do this," pagdidiin pa ni Abalos.

Wala pang reaksyon si PNP chief, Lt. Gen. Rodolfo Azurin, Jr. hinggil sa pahayag ni Abalos.