Umani ng samu't saring reaksyon mula sa mga netizens ang naging pahayag ng online personality na si Donnalyn Bartolome hinggil sa mga nalungkot umano dahil sa pagbabalik-trabaho.

“Bakit may sad dahil back to work na? Diba dapat masaya ka kasi may chance ka na pagandahin buhay mo at ng pamilya?” saad ni Donnalyn sa kaniyang Facebook post nitong Martes, Enero 3.

Dagdag pa niya, dapat daw na maging grateful dahil may trabaho: “Trip ko pa nga may work ng January 1 dahil superstition ko may work ako buong taon pag ganun. Dapat grateful kasi may work.”

“If work makes you unhappy, I hope you find a job that will. Yung pakikiligin ka and sheet,” aniya pa.

Donnalyn sa mga 'nalungkot' dahil back to work na: 'Dapat grateful kasi may work...'

Sa dulong bahagi ng post, reminder lang daw ang nasabing post na isang blessing ang pagkakaroon ng trabaho.

“Anyway, this is just a reminder that having a job is a blessing bessss change mindset, it’s 2023!!”

Gayunman, may mga netizen na sumang-ayon sa dalaga ngunit marami rin ang hindi sumang-ayon. Makikita sa comment section ang mga naging reaksyon ng netizens.

"Pano naman akong babalik sa ibang bansa nalulungkot ako dahil malalayo ulit ako sa pamilya ko pero para sa pangarap kailangang lumaban🥰"

"ganda po talaga ng mindset mo. ms donna ...nakaka goodvibes and nakaka inspire .sobrang positive☺️💞"

"Ung ganitong motivational maganda walang bahid ng malisya pero in reality hndi to lahat applicable sa lahat ng mang gagawang Pinoy lalo nat minimum wage earner ."

"So true! You are blessed because you have a job. Unlike ung iba hindi makapagwork for some reasons…so be grateful❤️😊"

"Hindi naman porket sad, hindi na thankful sa pagkakaroon ng work. Of course thankful ang lahat ng taong may work ngayon. May mga dahilan lang ang mga tao bakit sila sad dahil back to work na.🙂"

"sige po. sabi nyo eh."

"SIS IKAW BA NAMAN WELL-COMPENSATED AT MILYON KINIKITA SYEMPRE FEELING LUCKY KA TALAGA!🤣"

"Sabi ng vlogger na sumasahod ng million, lol its easy for you to say these words."

"Kasi hindi lahat ng tao ay well-compensated tulad mo. Hindi rin lahat ay pinalad na magkaroon ng work-life balance sa trabaho nila."

"Sabi na e ikaw lang mag mo motivate sakin hahaha okay ty pi🥹🫶"

"May mga empleyado kasi na sobrang bitin sa rest day and hindi nadama yung saya ng holiday kasama ang kanilang mga pamilya dahil nakaduty sila. Siguro kaya ganun.😌"

"try mo magwork sa labas ng pinas donna ung mga 3 years straight tingnan natin kung gusto mo pa rin."

"Being sad does not imply being ungrateful. Some have to go back abroad to work, and some only get to see their family on weekends or holidays. People can be sad AND grateful at the same time"

"Sarap kaya mag work lalo na kung nabibigay yung the best para sa parents.🤍"

"Malaki naman kasi sahod mo😂kaya gusto mo talaga lagi kang may work kahit sino naman siguro😂"

"Depende pa rin yan sA work and workloads, wag mo naman i-generalized na same uung pagod ng lahat, yes masarap mag work because it will support your needs and your family, pero deserve din Ng iilan magkaroon ng rewarding rest!!Try nyo mo po magingaccountant and mag work sa financial institutions, pag ganyan pa rin mindset mo, hokage ka na😊"

"In fairness mejo pakialamera ka sa dapat feelings ng ibang tao.If you invalidate the mental fatigue and longing for peace of mind ng ibang tao sa workforce, then just hold your tongue and think before you speak.Sure having work is a blessing, but only having that mindset and just shrugging off the negativity around is the same reason kaya wala asenso Pilipinas.Oh wag mo masamain ahh, BLESSING yan na may nag-iisip at di lang agree ng agree sa sinasabi mo."

"Ate Donna, work mo at sahod mo iba po sa normal na manggagawa. Kaya ‘yung iba nagiging sad dahil sa minimum wage nilang sweldo, at problematic transportation sa Pinas, hindi po lahat comfy sa work at may sasakyan.😭"

"No Donnalyn, you are so insensitive in your post here. Most people do not earn as much as you are. We do love our jobs and we enjoy the perks of having it but girl do not invalidate our feelings by wishing our rest days extended. We work our asses offthe whole year and we consider this as our reward! These days are also the moments we get to spend quality time with ourselves and our families. Instead of using your platform invalidating someone elses feeling, why not be a voice of the majority? Like calling out our higher ups; government? Make them realize that there is something wrong with our system thats why most filipinos are dissatisfied with their jobs. Use your platform to encourage them to give us the wages that we deserve so can enjoy working (even on holidays) as much as you are!#2023naammacanaaccla"

"kung pagpapa-cute lang naman talga kasi work ko, gaganahan talaga ko🤣sksksk yawa"

"Nagba-vlog ka lang naman e, anong alam mo sa work nila? And nagko-commute ka ba tulad nila? Magkaiba ang sad sa ungrateful accla. Saka ang sahod accla, hindi sumasabay sa taas ng bilihin tapos ang gusto mo mag-feeling lucky din sila?"