LUCENA CITY, Quezon – Nasamsam ng mga awtoridad ang shabu na nagkakahalaga ng P3.1 milyon at naaresto ang tatlong hinihinalang tulak ng droga sa buy-bust operation sa Akap Village, Purok Little Baguio II, Barangay Ibabang Dupay, nitong lungsod, noong Miyerkules, Enero 4.

Kinilala ni Quezon police provincial director Col. Ledon Monte ang mga suspek na sina Lorebeth Andaya Berba, 47; Edward Herrera Sales, 50, at Andrew Geromo Azagra, 29.

Nakuha mula sa mga suspek ang 36 na sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 153 gramo at tinatayang nasa P3,125,280 ang street value.

Isinagawa ang operasyon matapos makatanggap at maberipika ng mga awtoridad ang mga ulat tungkol sa aktibidad ng ilegal na droga ng mga suspek.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Sinabi ni Ledon na mananatiling matatag ang Quezon Provincial Police Office sa kampanya laban sa ilegal na droga.