Nakapanayam ni Ogie Diaz ang isa sa cast members ng "Family Matters" na si Nikki Valdez, hinggil sa isyu ng umano'y pandededma sa kanilang pelikula sa naganap na Metro Manila Film Festival (MMFF) Gabi ng Parangal noong Disyembre 27.

Tumataas kasi ang kilay ng cast, netizens, at mga taong nakapanood na nito kung bakit hindi nakakuha ng major awards ang pelikula at mas naungusan pa ito ng "Mamasapano: Now It Can Be Told" na hinirang na 2nd Best Picture.

Isang parangal lamang ang nakuha nito, ang Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Award, bagama't na-nominate naman sa Best Musical Score, Best Original Theme Song, Gender Sensitivity Award, Best Supporting Actor (Nonie Buencamino) at Best Actor (Noel Trinidad) subalit hindi sila ang nanalo.

Nagpadala naman ng video interview si Nikki kay Ogie upang i-address ang isyu.

'Takot masapawan?' Ogie Diaz, may tsika kung bakit 'inisnab' Family Matters sa major awards

Aniya, sa totoo lang daw ay nagtataka rin siya kung bakit hindi nakonsidera ang pelikula nila sa iba't ibang kategorya, subalit wala na siya sa posisyon upang kuwestyunin pa ang desisyon ng mga bumubuo sa jury.

Nagpapasalamat na lamang siya sa magagandang feedback at review na kanilang natatanggap mula sa mga nakapanood na.

Sana raw ay patuloy na suportahan ang MMFF movie entries, lalo na ang Family Matters, nakakuha man ito ng major awards o hindi.

&t=721s

Bago si Nikki ay nagpahayag na rin ng pagkadismaya ang aktres na si Agot Isidro tungkol dito.

Samantala, wala pang tugon o pahayag si Direk Laurice Guillen patungkol sa tsikang pinakawalan ni Ogie, mula naman sa kaniyang source.