Tila may pasaring ang TikTok star na si Mary Joy Santiago sa mga taong idinadawit siya sa umano'y hiwalayan ng real-life couple na sina McCoy De Leon at Elisse Joson o mas kilala bilang “McLisse.”

Sa kanyang Instagram story, sinabi nitong mas mabuting tanungin siya nang personal kaysa mag-assume sa bagay-bagay.

"Instead of making assumptions about me and what I do how about you just ask," ani Mary Joy.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Ito ay matapos kumalat ang ngayo’y burado nang Facebook story ni Mary Joy na kasama si McCoy.

BASAHIN: Sey ni girl na dawit sa umano’y ‘hiwalayang’ McLisse: ‘Break na sila bago kami mag-usap ni McCoy’

Sinabi pa ni Mary Joy na madaling mapaniwala sa mga bagay o issue kahit na hindi pa man din tinatanong ang mga taong dawit dito.

"So quick to believe things about a person without even knowing them or even simply having a conversation with them."

"You guys are some childish type of shit and I'm not here for it," dagdag pa niya.