Nakatakdang magdaos ang Manila Cathedral ng isang Requiem Mass para kay dating Pope Benedict XVI sa Enero 6.

Sa abiso ng Manila Cathedral, nabatid na mismong sina Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula at Apostolic Nuncio to the Philippines Reverend Charles Brown ang mangunguna sa naturang Eucharistic Celebration na isasagawa sa Minor Basilica of the Immaculate Conception Manila Metropolitan Cathedral dakong alas-5:00 ng hapon.

Inanyayahan rin nito ang lahat na makiisa sa naturang banal na misa.

"Everyone is invited to join us in thanking the Lord for his life and ministry through the Holy Eucharist," ayon pa sa cathedral.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Matatandaang inanunsyo ng Vatican na si Benedict XVI ay sumakabilang buhay sa edad na 95, noong Disyembre 31.

Ito ay makalipas ang isang dekada matapos siyang magbitiw bilang santo papa dahil sa isyung pangkalusugan. 

Siya ang kauna-unahang Santo Papa na nagbitiw sa tungkulin matapos ang anim na siglo.

Si Benedict XVI ay nakatakdang ihatid sa kanyang huling hantungan sa Enero 5.