Nanguna si Undersecretary Anna Mae Yu Lamentillo, ang Tagapagsalita ng Department of Information and Communications Technology (DICT), sa isang survey sa mga tagapagsalita ng iba't ibang ahensya ng gobyerno.

Nakatanggap si Lamentillo ng rating na 88%, na sinundan ni Office of the Press Secretary (OPS) Officer-in-Charge (OIC) Cheloy Velicaria-Garafil (86%), Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Margarita Gutierrez (84%), Department of Budget and Management (DBM) Undersecretary Goddess Hope Libiran (83%), at Department of Health (DOH) OIC-Undersecretary Beverly Ho (82%).

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Kasama rin sa top ten sina Department of Justice (DOJ) Assistant Secretary Mico Clavano (80%), Department of Education (DepEd) Spokesperson Atty. Mike Poa (78%), Department of Social Welfare and Development (DSWD) OIC Edu Punay (75%), Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary Kristine Evangelista (73%), at Department of Migrant Workers (DMW) Undersecretary Patricia Caunan (70%).

Nakakuha ng outstanding evaluation sina Pangulong Marcos, Bise Presidente Duterte, at mga miyembro ng gabinete para sa kanilang pangkalahatang pagganap sa trabaho sa pambansang survey ng RP Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) “Boses ng Bayan” para sa taong 2022. Kinukumpirma nito na epektibong nakipag-ugnayan ang kanilang mga tagapagsalita sa mga layunin, hakbangin, at patakaran ng gobyerno, sabi ni Dr. Paul Martinez ng RPMD.

Sinabi ni Lamentillo, ang resulta ng survey, kung saan tumanggap ng mataas na rating ang mga tagapagsalita ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno, ay nagsisilbing patunay na pinahahalagahan ng publiko ang trabahong ginagawa ng mga tagapagsalita ng gobyerno.

Noong nakaraang Disyembre, nag-organisa ang Office of the Press Secretary ng isang pagtitipon ng iba’t ibang mga tagapagsalita at kinatawan ng komunikasyon mula sa iba’t ibang ahensya at departamento ng gobyerno na may layuning pagtugmain ang mga estratehiya sa komunikasyon ng pamahalaan upang mabisang makapaghatid ng mahalagang impormasyon para sa mamamayang Pilipino.