Ipakikita at mas maiintindihan ng mga manunuod ang bawat karakter sa tanging live adaptation ng hit anime series at ngayo’y “Voltes V: Legacy” dahilan para matunghayan ang love story na anang direktor mismo ay bahagi ng tinatawag na “human story.”

Depensa ni Mark Reyes, hindi distraction bagkus ay bagong timpla lang sa kuwento ang matutunghayan ng lahat.

Basahin: ‘Voltes V: Legacy,’ aprub kaya sa isang Japanese content creator? Pananaw niya sa trailer, viral – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Partikular na napuna kasi kamakailan ng maraming netizens ang pag-ibig ng mga karakter nina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Believe me, it is not a distraction at all to the main storyline of Voltes V. It is one of those flavors that’s gonna be enjoyed by the teenagers who [will] watch this,” anang direktor sa ulat ni ">Nelson Canlas, Martes.

Para naman sa mga adult, ang relasyon nina Sandra at Zardos ang pupuno sa parehong tema ng kuwento, aniya pa.

“We’re trying to tell a human story and love has to be there. Bakit may love story? Cause we’re not doing the anime, we’re doing much bigger,” dagdag ni Mark.

Nauna nang ipinaliwanag ng head writer ng proyekto na si Suzette Doctolero ang parehong posisyon ukol sa kontrobersyal na bagong-bihis na plot ng Voltes V.

Basahin: Suzette Doctolero, dinepensahan ang ‘love story at agawan’ sa ‘Voltes V: Legacy’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Samantala, bunga raw ng ilang taong research and innovation ang kahanga-hang, makatotohanang live adaptation at new offering ng Kapuso Network sa mega trailer pa lang nito kamakailan.

Ngayong 2023 nakatakdang ipalabas ang Voltes V: Legacy na mayroong kabuuang 80 episodes.