Going international na ang Metro Manila Film Fest big winner na “Deleter” na nakatakdang mapanuod na rin abroad.

Simula Enero 6, mapapanuod na ng mga Pinoy ang patok na entry sa Amerika habang sa Enero 12 naman maghahasik ng kababalaghan ang Deleter sa United Arab Emirates (UAE).

Wala pang partikular na petsa ang showing ng palabas sa Singapore bagaman inanunsyo na ang paglipad din ng materyal sa naturang bansa.

Matatandaang lalong naging patok ang MMFF entry ni Mikhail Red matapos humakot ito ng awards sa naganap na ‘Gabi ng Parangal.” Kabilang sa nauwi ng “Deleter” ang “Best Sound,” “Best Editing,” “Best Cinematography,” “Best Visual Effects,” at “Best Picture” awards.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Nasungkit rin ni Nadine ang “Best Actress” habang wagi rin si Mikhail bilang “Best Director.”

Basahin: ‘Deleter’ star Nadine Lustre, wagi bilang best actress sa #MMFF2022 ‘Gabi ng Parangal’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kamakailan, usap-usapan bagaman wala pang kumpirmasyon ang pangunguna ng Deleter sa takilya matapos maungusan kalaunan ang patok ding palabas nina Vice Ganda at Ivana Alawi na “Partners in Crime.”

Basahin: MMFF bardagulan: Nadine, na-elbow na raw sa takilya ang tandem nina Vice at Ivana? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Samantala, wala pang opisyal na detalye mula sa komite ng MMFF kaugnay ng kita ng mga entry ngayong taon, sa pag-uulat.

Ang MMFF ay magtatapos sa bansa sa darating na Enero 7.