“Let go and let God.”

Ito ang tweet ng National University volleyball player na si Jennifer Nierva kasunod ng umano'y panloloko ng kaniyang nobyo na professional esports player na si Tristan Cabrera, o mas kilala bilang Yawi Esports.

Ito ay matapos i-post ni Basic Gaming sa kaniyang Facebook account ang mga screenshot ng 'pakikipagharutan' umano ni Yawi sa isang babae.

BASAHIN: Screenshot ng ‘pakikipagharutan’ ni Yawi Cabrera sa ibang babae, viral

National

Manuel, naalarma sa epekto ng paglaganap ng Pornhub sa kabataan

Isang araw matapos mag-viral, nag-post si Yawi ng status sa kaniyang Facebook account na nagsasabing, “GGWP (Good game, well played)! Lakas niyo boys! ‘Di kayo ekiz sa akin.”

https://twitter.com/JenniferNierva/status/1609724074846203904?t=2aMCJR-U0PQDRYpAZvttnA&s=19

"The audacity! nagawa mo pang mag joke ah" patama umano ni Nierva sa isang tweet.

Bago pa man ang post na ito, nag-tweet na si Nierva ng, "So ano ang playlist natin this 2023? Hahaha"

Sumagot naman ang social media influencer na si Mika Salamanca na isama sa listahan ang "Irreplaceable" ni Beyonce kung saan ang kahulugan ng kanta ay tungkol sa isang babae na nakipaghiwalay sa kaniyang manlolokong kasintahan.

“Ayy parang eto pinakamagandang kanta! I love you.” pagsang-ayon ni Nierva kay Mica.

Narito ang sey ng ilang netizens:

"Take a Bow mo na yan!! 🤭CHIN UP QUEEN! 👸"

"IDGAF by Dua Lipa, di mo deserve ang baliko baliko mag-english."

"All too well po 10mins version"

"Olivia rodrigo sour album"

"Shot puno by juan karlos"