Sa kauna-unahang pagkakataon ay nasungkit ng Pilipinas ang kampeonato sa World Universities Debating Championship 2022 na ginanap sa Madrid, Spain noong Disyembre 27, 2022 hanggang Enero 4, 2023.

Nilampaso ng koponan ng Ateneo De Manila University Debate Society ang halos 100 institusyong lumahok sa naturang pandaigdigang debate tournament.

Tinalo ng ADMU ang Princeton University, Tel Aviv University sa Israel at Sofia University ng Bulgaria sa grand final, kung saan, piangdebatihan nila ang isyu hinggil sa paniniwala sa philosophy ng Ubuntu.

Agad namang nagbigay ng congratulatory message ang Ateneo Debate Society sa koponan, na mababasa sa kanilang opisyal na Facebook page. Mapapanood din ang naging salpukan ng mga koponan.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Mapapanood din sa opisyal na Facebook page ng "Madrid WUDC 2023" ang open final round gayundin ang awarding at closing ceremony.

Hindi na bago sa Ateneo ang pagsali sa ganitong timpalak. Noong 2021 ay umabot din sa grand finals ang kanilang koponan, na mababasa sa kanilang website.

Larawan mula sa website ng Ateneo De Manila University

Pagbati, Ateneo!